EXCLAMATION POINT

Thursday, March 01, 2007

WHEN THE AGE GOES MARCHING ON

"Kelan birthday mo?" tanong sa kin.

"Dalawa birthday ko, eh. Anong gusto mo? Yung fake o yung totoo?" ang sabi ko naman.

"Eh di yung totoo, at saka bakit dalawa?" takang tanong ng nagtanong sa kin.

"Kasi May 5 yung nasa birth certificate ko pero March 14 talaga ako pinanganak. Di ko na pinabago. Lahat kasi ng papers ko ganon eh. Pero tumatanggap naman ako ng gift during any of the two." mega-explain ko naman.

23 pa lang ako. Mag-24 nitong darating na buwan. Bata pa sabi ng iba. Sana nga. Ayoko pang tumanda. Sana ganito na lang ako palagi. Fresh... Vibrant... Daming ideas...

Speaking of ideas, dun sa mga gustong magbigay sa kin ng gift (ehem!), etong suggestions ko ranked according to my preferences.
  1. Beads book. Alleluia!
  2. Boyleg panties na pink hindi red at please hindi lace. Medium ako or basta yung kasya sa size 28-29 na waist at 36 na hips. Ayan, nabuko tuloy!
  3. Book by Catherine Coulter, Nicholas Sparks, Sidney Sheldon, Danielle Steel, John Maxwell or any E-commerce books. Pwede rin ang Christian or motivational books na nabibili sa St. Paul's. Kahit second hand, wagi pa rin yan.
  4. Scrapbook na pink, red or white. Ok rin lang ang brown. Yung refillable na maliit. Mura lang yon sa Papemelroti. Wag sa National kasi mahal don.
  5. CD ng The Best of The Corrs or yung album na may All the Love in the World
  6. Bead magazines. Yehey! As I've said, kahit second hand ok na ok.
  7. Small beader's cutting pliers na mabibili sa Wellmanson sa Quiapo.
  8. Kung madami kang pera, pwede mong isponsor ang aking new pair of eyeglasses kasi baka tumaas na naman grado ko.
  9. On the other hand, kung megatipid mode ka naman, yung mga tig-50 pesos na cute and colorful bags sa Divisoria ok na yon sa kin. Happy na ko.
  10. Eto super tipid nito: isang pack ng sweet tamarind. Siguraduhing masarap ha. Hindi yung puro asukal. Yung may traces of sampalok naman.
Mababaw lang naman kaligayahan ko. I can be happy with a one-peso sampalok to second hand books. For me, happiness is priceless. Kahit greet nyo lang ako dito sa blog, happy na rin ako. Hihi.

Labels: ,


Donnabee :: 5:10 PM :: 0 Comments:

Post a Comment

---------------oOo---------------